‘Pag umalis ako

Gusto ko pag umalis ako, malaman mo ang halaga ko.

Gusto ko pag umalis ako, makita mo lahat ng hirap na ginawa ko para sa ‘yo, na ang oras na sana ay para sa aking sarili, ibinigay ko din sayo.

Gusto ko pag umalis ako, masabi mo na “Sana inalagaan ko sya.” dahil sa haba ng pinagsamahan natin, hindi ko man lang naramdaman na iniisip mo ang kapakanan ko.

Gusto ko pag umalis ako, maramdaman mo ang puwang at kakulangan sa puso mo. Gusto kong maramdaman mo na para bang may kulang na sa buhay mo, at oo, ako ang kulang na yun. Ako na dati umaapaw pa ang ibinibigay sayo.

Gusto ko pag umalis ako, maisip mo kung gaano mo ako nasaktan. Naniwala at nagtiwala ako sayo, umasa ako sa isang magandang buhay, pero nasaktan mo ako, at patuloy na nasasaktan.

Wag mong isipin na madali lang ang lahat ng ito sa akin. Paulit-ulit kitang pinipili, araw-araw.

Pero alam kong mas kailangan kong mahalin ang aking sarili at buhay. May mga pangarap ako na nais pang matupad, mga pangarap na hindi mo maibibigay, mga bagay na makakamit ko lang kung aalis na ako.

Gusto ko pag umalis ako, malaman mo ang halaga ko.

Advertisements

About princessrenren

sharing personal things without actually being personal. i have more sense when writing than speaking.
This entry was posted in Everyday Life, Ren's Literature, Thoughts. Bookmark the permalink.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s