Dumadating talaga sa buhay natin na umiiyak tayo sa gabi hanggang sa makatulog na, na kahit anong sikat ng araw e napakadilim pa rin nito. Kailangan nating masaktan at madapa, hindi para hilahin tayo pababa, ngunit upang lalo pa tayong pagtibayin. Hindi maiiwasang tayo ay matakot pero kailangan nating maging mas malaki sa ating takot. Dito tayo natututo. Dito tayo tumatatag. Kaya kung ngayong gabi, iiyak ka, sige umiyak ka lang, kahit sa susunod na gabi pa. Pero wag mong gagawing gabi-gabi yun. Umiyak ka pero kailangan mo din pagdesisyunan na tama na ang pag-iyak mo, kailangan mo nang tumayo. Walang mangyayari sa ‘yo kung iiyak ka. Kaya mo yan, lumaban ka.
– Ren, September 27, 2014 pm