romantic relationships

Never pa akong nakapasok sa isang relationship, at hindi ko alam ang mga proseso o kung ano anong ginagawa pag magbf/gf, pero sigurado ako na alam ko ang magmahal.

Kaya naiinis at minsan naaawa ako sa mga taong nagste-stay sa isang relationship kahit parang everything went wrong. Oo, sabihin na nating, kasi mahal mo yung tao kaya ayaw mo syang mawala, pero dib a madami pang tao jan. ilang milyon ang taong nagsisiksikan sa buong pilipinas, may makikita ka pang, ika nga ng iba, BETTER.

Di ba nga, kaya ka pumasok sa isang relasyon, kasi alam mong may nagmamahal sayo. Ang sarap ng feeling ng may nagsasabi sayo ng “I love you,” may katext ka ng mga sweet messages, may kasama kang harapin ang bawat araw. Pero higit sa lahat, ang pinakamasarap ay yung alam mong may nagmamahal sayo.

Ngunit, may hangganan nga ang lahat. Bata pa ako, at ang mga kaibigan ko, at ang mga tao sa paligid ko. Masasabi na nga bang pag-ibig ito? Sa tingin ko ay oo. Naman! 18 na ako. Madami sa mga kakilala ko mas matanda pa sa akin, alam na nila ang tama at mali, kaya na nilang tumayo sa kanilang dalawang paa, kaya kaya na rin nilang magmahal.

Sa mga nasa relasyon naman, wag na kayong makipagbf/gf, kung pang display at pang picture lang ang hanap nyo. Kelangan ba eh maganda? Nasa sayo ang sagot, pero wag lang magbabase lang sa pisikal na anyo. Tingnan mo ang personalidad nya, dahil yun ang mas mahahalaga.

Kung nasa bingit na ang relasyon, wag matakot humiwalay. May pamilya ka at mgaa kaibigang nagmamahal sa yo. (sasabihin mo siguro, napakadaling sabihin nito, pero ang hirap gawin. Alam ko naman yon, but why prolong the pain when you know that the end time will come eventually? Why would you choose to cling on a relationship that only breaks your heart?)

Uulitin ko, wala akong alam sa isang relasyon. Ang alam ko lang ay ayaw kong makita ang mga tao sa aking paligid na umiiyak at nasasaktan. Ulitin ko, di ba, pumasok ka sa isang relasyon kasi nararamdaman mong may nagmamahal sayo ano ka pa man at tatangapin ka magbago ka man.

I have never been in a relationship, nor did anyone tried to be with me, yet I know that this love does not need a partner to be felt. Love is a beautiful thing, and I am not stupid enough to conclude that when this loving becomes breaking, you better stop this.

P.S. napansin ko lang, tuwing may gulo or away or misunderstanding and all sa mga kaibigan kong may boyfriend, isa lang nasasabi ko, BREAK NA LANG!

–ren December 2, 2010 5:52pm

Advertisements

About princessrenren

sharing personal things without actually being personal. i have more sense when writing than speaking.
This entry was posted in Romance, Thoughts. Bookmark the permalink.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s