HUSTISYA –Maguindanao Massacre

November 23, 2009. Nagulantang ang buong bansa, pati na din ang mundo. November 23, 2010, isang taon na ang nakaraan ngunit wala pa ring pagbabago.

Hindi ako magmamarunong o magmamagaling. Sa totoo nga, wala akong kaalam-alam sa kaganapang ito. Ang kawalan ko ng telebisyon ay isang malaking factor sa pagkamangmang ko sa usaping ito. Ngunit alam ko, ang pagiging iresponsable ko ang pinakamasisisi. May dyaryo at internet at radio pero hinayaan kong hindi makialam.

Ang bilis talaga ng oras. Sa twitter ko nga lang nalaman na isang taon na pala ang nakakaraan.

“isang taon na amg nakalipas pero wala pa ring pagbabago. Habambuhay na bang ganito ang bansang ito?” (Bago ko ito isulat, sinabi ng isang kaibigan na aabutin daw ng pitong taon bago matapos ang kasong ito.)

Nagsasalita ako hindi para mag-pinpoint sa kung sino ang gumawa ng ano. Nagsasalita ako PARA MAGREKLAMO.

Wala akong alam sa patakaran ng ibang bansa. No point of comparison. Kaya puro napapansin at alam ko lang sa bansang ito ang kaya kong sabihin. OO, WALA AKONG ALAM PERO HINDI IBIG SABIHIN NON, ITITIKOM KO NA LANG ANG AKING BIBIG.

I wonder why the hell in this country, the justice is freaking slow. Narinig ko nga once na parang naarrest or something ang may sala pero, nakapag-pyansa naman. (Hindi ko to sigurado, SORRY PO kung mali. I’ll research on this after this entry.) Bakit ganun, pag mayaman, makakapagbail agad kasi kaya ng bulsa nila, tapos may pansamantala na agad silang kalayaan. Yung ibang mahirap nga, magtitiis na lang hanggang sa mabulok sila sa kulungan. UNFAIR.

Sa bansang ito, boses lang ng mga mayayaman ang madidinig. Bulong pa nga lang yung sa kanila pero dinig agad. Di gaya ng sa mga mahihirap, paos na sila at lahat kakasigaw, hindi pa sila madinig-dinig. Sa bansang ito, pag mahirap ka, malas ka. Wala ka na ngang pagkakataong patunayan ang sarili mo, abonado ka pa. Ang mga mayayaman at makakapangyarihan, kahit naman hindi kagalingan, nasa itaas. UNFAIR.

At biglang pumasok sa isip ko, does JUSTICE means RICH AND POWERFUL? Jusko. Wag naman po.

Balik sa November 23 incident, at dahil mga makakapangyarihan ang nakabangga ng mga ordinaryong tao, wala silang magawa kundi maghintay, magdasal at manahimik. OO, MANAHIMIK! Kasi pag dumaldal sila, baka pati sila sumunod sa mga iniiyakan nila.

I know this world has always been unfair. (“Fairness does not govern life and death. If it did, no good person would ever die young.”—Blue Man, The Five People You Meet in Heaven by Mitch Albom) (at sa aking draft ng entry na ito, ang nakasulat ay: “Life is not always just. If it is, nobody would die young.” Haha. Mali ang naretrieve ng memory ko. ) Pero kasi, paano naman ang mga buhay na nasayang? Paanong gagawin sa buhay na pinutol na lang? Kahit naman makulong sila, hindi na mababalik ang kanilang buhay. Pero kahit papano, panatag ang loobng mga naiwan nilang pamilya na nahihirapan ang mga may kasalanan.

Ang entry na ito ay ginawa ko para magreklamo. Naawa na ako sa mga pamilyang ito. HUSTISYA hindi lang sa pagkakakulong ng mga kasalanan kundi para makulong at mapigilan ang kasamaan at upang magturo ng leksyon. (An effective punishment is given immediately after the undesirable behavior.)

At kung ang mga nasa kapangyarihan nga ang may kagagawan, eto lang ang masasabi ko, “Try to consult to a psychiatrist, your brains must be malfunctioning. Try to approach a priest, your souls in hell must already be burning.”

Advertisements

About princessrenren

sharing personal things without actually being personal. i have more sense when writing than speaking.
This entry was posted in Thoughts. Bookmark the permalink.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s