USO MAG-EXCUSE ME

Tuwing Mahal na Araw, Pasko at Bagong Taon, at Undas, dagsa ang mga tao sa pier. Ngayon ay katatapos lang ng Undas, dagsa na naman ang mga tao.

Sa ganitong panahon, bawal ang maarte, bawal din ang mag-inarte. Mainit, masikip at mabagal ang pag-usad ng pila. Bawat isa ay may matambok na back pack o malalaking trolley.

Pero di ba, dapat hindi mawala ang pagiging magalang?

Sa pagbili ko ng tiket, may isang bastos na lalaking basta na lang kung dumaan. Sa laking tao niya, kasama na ang malaking back pack, ano ang laban kong isang maliit na babae?

Ay kuya, nabunggo mo ho ako,” sabi ko sa isip ko. Leche. Pasalamat ka, marunong akong gumalang.

Sa pagpila kong muli para kumuha ng seat number, aba, si kuya, sumingit kasi nakipila si friend nya.

Kuya, ang baho mo ga, naligo ka ga?” Sige, magtimpi lang, wag ka ng pumatol. Bawal maarte di ba.

Pagdating naming sa unahan, syempre nasa likod pa rin niya akp, sinulat ang pangalan sa manifesto, kinuha ang seat number at ready to go na.

Syempre, what do you expect sa isang bastos? Ayon,  nasanggi na nya talaga ako.

KUYA, USO MAG-EXCUSE ME!!” Di ko na masyadong napigilan ang aking sarili. So, nasabi ko na ito, pero mahina lang.

ANAK NG BOOGIE!!!

To everyone, never forget to be respectful. Oo, aaminin ko, maarte ako, ayaw ko ng masikip at mainit. Pero don’t ever forget to be respectful. Don’t be insensitive. Hindi lang ikaw ang tao sa lugar na yon, di lang ikaw ang nasisikipan at naiiinitan, at naiinip, at nagmamadali. Di lang ikaw ang pasahero noh!

–Ren, November 2, 2010 11:00am Calapan Terminal Pier

Advertisements

About princessrenren

sharing personal things without actually being personal. i have more sense when writing than speaking.
This entry was posted in Thoughts. Bookmark the permalink.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s